Patay ang isang lalaki matapos itong malunod sa isang dagat sa Barangay Talao-Talao, Lucena City nitong Linggo, Abril 28.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, lasing umanong naglangoy ang biktima sa dagat kasama ang kanyang mga ka-trabaho at kaanak ngunit bigla itong nawala.
Makalipas ang isang oras ay doon na natagpuan ang wala ng buhay na biktima sampung (10) metro ang layo sa baybaying dagat.
Dinala sa purenarya ang mga labi ng biktima upang isailalim sa post-mortem examination.