Lalaki, sugatan matapos sumalpok ang tricycle sa tractor head sa Gumaca, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong tricycle sa tractor head sa Barangay Progreso, Gumaca, Quezon nitong Linggo, Abril 28.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, inokupa umano ng tricycle ang opposite lane na nagresulta sa pagsalpok nito sa kasalubong na truck.

Nagtamo ng injury sa katawan ang driver ng tricycle kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, bukas naman ang pagkakasundo ng magkabilang panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *