2 lalaki, sugatan matapos pagtatagain sa Polillo, Quezon

Sugatan ang dalawang lalaki matapos pagtatagain ang mga ito sa Barangay Bañadero, Polillo, Quezon nitong Linggo, Abril 28.

Ayon sa report, nagre-repair umano noon ng motorsiklo ang mga biktima nang dumating ang suspek saka inatake at pinagtataga ang mga biktima gamit ang bolo.

Isinugod sa hospital ang mga biktima matapos magtamo ng taga sa balikat habang ang suspek naman ay naaresto sa pamamagitan ng hot pursuit.

Nahaharap ngayon sa kasong Frustrated Murder ang naturang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *