Lalaki, nahulog sa tulay habang sakay ng motorsiklo- patay

PATAY ang isang 58 anyos na lalaki matapos aksidente na mahulog sa tulay  habang nakasakay sa kanyang motorsiklo sa Sitio Legna Brgy. San Juan, Dumaran Palawan.

Nangyari ang aksidente ganap na alas-dose ng tanghali kahapon, ika- 18  ng Hulyo.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon sa pulisya, ang drayber ay si Nicolas Omblas Cardaño na residente ng Brgy. Sto. Niño, Araceli Palawan.

Lumabas sa imbestigasyon na matapos mahulog sa tulay ay nabagsakan pa ang biktima ng kanyang motorsiklo, hindi rin nito nahubad ang kanyang helmet kaya siya nalunod at namatay.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Dinala ng Dumaran Police ang labi’ ng biktima sa mga kaanak nito sa bayan ng Araceli.