DOH, muling isinailalim sa testing, quarantine ang local cases ng Delta variant

Muling tinest at isinailalim sa quarantine ng Department of Health (DOH) ang mga local cases ng Delta COVID-19 variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa initial tagging ng mga lokal na pamahalaan, 32 na ang naka-rekober pero tinest muli ang mga local cases at ive-verify ang status sa oras na na makumpleto ang assessment.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Aniya, lahat ng Delta variant cases ay agad na ni-re-assess para malaman ang kasalukuyang clinical, laboratory, at isolation status.

Isa-swab umano muli ang mga local cases para sa repeat RT-PCR at pagkatapos ng isolation o pag magpositibo muli sila sa mas nakakahawang variant.

Ang mga magnenegatibo umano sa RT-PCR test, asymptomatic na at nakakumpleto na ng minimum 10-day isolation ay pwede nang i-discharge sa quarantine.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Mababatid na pumalo na sa 35 ang confirmed cases ng Delta variant sa bansa, sa bilang na ito, tatlo na ang namatay habang ang nalalabing iba ay naka-rekober na.

Ang dalawang nasawi ay mula sa 11 local cases.