Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagwala ng isang helper sa karinderya sa Brgy. Tabuc-tubig, Dumaguete City, Negros Oriental na nagresulta sa pagkamatay nito matapos manlaban sa kapulisan.
Maaalala na nangyari ang insedente bandang alas 07:00 ng gabi ng Huwebes, Agosto 09, 2024.
Kinilala ang helper na si Alejandro, 44-anyos.
Sa imbestigasyon ng kapulisan, nadatnan nila si Alejandro na may bitbit na kutsilyo habang nag-aamok ng away sa mga kapitbahay.
Hinabol pa nito ang isa sa mga miyembro ng kapulisan, binalaan na si Alejandro na tumigil ngunit hindi nakinig at patuloy sa pag-atake kaya napilitan ang mga pulis na barilin ito.
Kaagad na dinala si Alejandro sa ospital ngunit ideneklara itong dead-on-arrival ng doktor.
Ayon sa kasama nito sa trabaho na si alyas Amiano, ikinagulat niya ng bigla nalamang itong hamunin ni Alejandro ng away dahil ayaw umano nito ng itim na espiritu.
Dagdag pa ni Amiano, hindi na nya pinatulan si Alejandro ngunit nagpatuloy umano ito sa pag aamok kaya tumawag na siya ng kapulisan.
Ikenwento din nito na dati nang nalulong sa illegal na droga si Alejandro.