Lalaki, arestado sa kasong terorismo

Arestado ang 47-anyos na lalaki matapos na hainan ito ng kanyang warrant of arrest dahil sa paglabag sa anti-terror law sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Charlie Lelis alias ‘Guding,’ may asawa at naninirahan sa Brgy Sangat ng nasabing bayan.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 11479 o ang Anti-terrorism Act of 2020, naaresto ng mga awtoridad si Lelis bandang 10:30 umaga noong Huwebes sa Brgy Pinontingan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC Br 23 Naga City, Camarines Sur na may petsang Hulyo 28, 2023 na walang itinakdang piyansa.

Paliwanag ng Gubat MPS, lahat ngayon ng kasong may kinalaman sa terorismo ay inilipat na sa Br 23, Naga City, Camarines Sur.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang anti-terrorism act of 2020, na opisyal na itinalaga bilang RA No. 11479, ay isang batas ng Pilipinas na hangarin na pigilan, pagbawalan at parusahan ang terorismo sa Pilipinas.

Ang batas ay nilagdaan ni Pang. Rodrigo Duterte noong Hulyo 3, 2020 at epektibong pinalitan ang Human Security Act of 2007 noong Hulyo 18, 2020.