Lalakeng nahaharap sa kasong rape naaresto ng Paracale Police

CAMARINES NORTE- Hindi na nakapalag pa ang isang lalake nang arestuhin ng mga pulis Lunes ng umaga sa  Purok  Perlas, Barangay Poblacion Sur, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang naaresto na si Jonald Yebra y Taller 25 anyos, may kinakasama, walang trabaho at residente ng Purok 5, Barangay Tugos sa naturan ding bayan.

Si Yebra ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest of arrest dahil sa kasong Rape na may kaugnayan sa RA 7610 o Child abuse at walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nasa kustodiya na ito ngayon ng Paracale Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay Camarines Norte Police Provincial Director PCol Julius Guadamor, ayaw niya dito sa probinsiya ng mga rapist.

Kaugnay nito ay hinikayat ng opisyal ang mga kababaihan, kabataan at sinumang nakakaranas ng pang aabusong sekswal na huwag matakot lumapit sa PNP dahil nakahanda umano itong tumulong at magbigay ng proteksyon sa mga biktima.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ito ang ayaw ko dito sa ating probinsiya, ang mga rapist, dapat lamang silang managot sa ginawa nilang pagkakasala,” ani Guadamor.