Mga opisina ng Comelec bukas sa dalawang holiday ngayong buwan

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang Commission on Elections na bukas ang mga opisina nito ngayong holiday at kapag araw ng Sabado.

Ayon kay Election Officer III Emily Basilonia ng bayan ng Mercedes, bukas ang kanilang tanggapan para- i-accommodate ang mga magpaparehistro.

Sa June 12 ay holiday dahil sa pagdiriwang ng Independence Day at sa June 17 naman ay deklarado ring public holiday dahil naman sa pag obserba ng Eid al-Adha o Feast of the Sacrifice ng mga kapatid na muslim.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Noong Biyernes, nagsagawa ng satellite registration ang Comelec sa Barangay Pambuhan, isa sa  sa pinakamalalayong Barangay ng naturang bayan kung saan nakapagrehistro ito ng 151 registrants.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nakatakda namang tunguhin ng Comelec Mercedes ang ilan pang Barangay tulad ng Manguisoc sa June 14 at June 21 naman sa Gaboc.

Sa datos ng Comelec nasa 34, 370 ang registered voter sa naturang bayan as of April 15, Election registration Board Hearing.