CAMARINES NORTE- Kalaboso ang isang lalake na makailang ulit umanong inabusong sekswal ang kinikilalang anak makaraang maaresto ng mga operatiba ng Paracale, Municipal Police Station sa Intramuros, Manila, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang suspek na si alyas “Don” 58 anyos, may asawa, steelman, residente ng Paracale, Camarines Norte na nagtago sa 1967 Liberiza St. Zone 22, Pasay City.
Ginawa ang pag aresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rene Morallo Dela Cruz ng RTC Branch 5 dito sa Daet dahil sa kasong ten counts of violation of RA 7610 o Child Abuse law.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa patong- patong na kasong kinakaharap ng suspek.
Ayon sa PNP ang pagkakahuli sa suspek ay bunsod ng sumbong ng biktimang makailang ulit umanong pinagsamantalahan noong nakaraang taon.
Nagsimula umano ito noong Hunyo 2020 na ilang ulit pang nasundan sa kanila mismong tahanan sa Barangay Gumaus. Paracale.
Nasa kustodiya na ngayon ng Paracale MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
