Pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga huli sa buy-bust operation sa bayan ng Mercedes Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Natimbog ng pinagisang pwersa ng mga otoridad ang isang tulak ng  iligal na  droga sa ikinasang buy-bust operation dakong 6:58  ng gabi nitong Setyembre 22, 2021 sa Purok 1, Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte.

Ang  suspek ay nakilalang si PEDRO VILLAMARZO JR y PASABILLO, 41 anyos, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa isinagawang operasyon, nakuha sa pag-i-ingat ni  VILLAMARZO angDalawang (2)  maliit  na piraso ng selyadong pakete ng shabu na nagsilbing buy-bust drug, Limang  Daang Piso na buy-bust money; at Tatlong (3) pirasong maliliit na pakete ng hinihinalang   “shabu”.

Ang mga nasamsam na iligal na  droga ay tinatayang may street value na  Isang Libo at Limandaang Piso ang halaga  (1,500.00) na tumitimbang ng isang (1) gramo.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Kasong paglabag naman sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 ang kakaharapin ng nasabing suspek na nasa kustodiya na ng mga otoridad