Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang lahat ng 22 Manila bay reclamation projects ay sinuspinde.
Matapos sinabi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na suspendido lahat ng reclamations projects sa Manila Bay maliban sa isa.
Ayon kay Environment Chief Maria Antonia Yulo-Loyzaga, kailangang repasuhin at pagtuunan ng pansin ang mga kinakaharap na isyu sa ilalim ng project.
Dagdag pa ni Loyzaga, kumplikado ang proseso dahil maraming sakop na tao ang kinakailangan katulad ng physical scientist, social scientist, oceanographer, at geologist.
