PNP, naghahanda para sa BSKE

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Commission on Election Chairman George Garcia, may ilang lugar sa bansa na posibleng ideklarang election hotspot.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Dagdag pa ni Garcia, sa isasagawang command conference kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP at Philippine Coast Guard (PCG) ay pag-uusapan ang mga lugar na ilalagay under Comelec Control, at ang mga areas na may serious concern.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Aniya, sa naturang pagpupulong malalaman ang general assessment sa peace and order ng buong Pilipinas.