Catapang, umaasang buhay pa ang nawawalang PDL sa Bilibid

Umaasa si Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na buhay pa ang nawawalang Persons Deprived of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) na si Michael Angelo Cataroja.

Ayon kay Catapang, ginagawa niya ang lahat ng remedyo para matagpuan na si Cataroja.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Dagdag pa ng BuCor Chief, 24 oras na itong hinahanap ng mga otoridad sa loob NBP.

Aniya, nagmamakaawa na ang mga kapulisan sa nanay ng PDL para siya’y sumuko na.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Sa pagdinig ng Senate Committee nitong Martes, sinabi ng forensic expert na si  Dr. Annalyne Dadiz ng National Bureau of Investigation (NBI), ang butong narekober mula sa septic tank ng presinto ay hindi mula sa tao kundi buto ng manok.