Lahat ng lugar sa Pilipinas, low risk na sa COVID-19 ayon sa DOH

Inanunsyo ng Department of Health na makokonsidera nang low risk sa COVID-19 ang lahat ng lugar sa Pilipinas.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang na rito ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Naiulat naman ni Vergeire na tinataasan na ng ahensya ang vaccination rates sa mga lugar na nasa Alert Level 2 bilang parte ng efforts na magpapababa sa mga ito sa Alert Level 1.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, inihayag ng opisyal na patuloy ang pagluwag ng mga restriksyon sa Metro Manila at 39 na iba pang lugar dahil sa mataas na vaccination rates at compliance sa minimum public health standards.