COMELEC, nagtakda ng timeline para sa deployment ng election machines at mga balota

Target ng Commission on Elections na i-deploy ang lahat ng vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa May 9 elections pagdating ng April 19, base sa timeline ng pollbody.

Sa presentation ni Comelec director Juli Hernan, head ng packing and shipping committee, ay ibinahagi niya na sinimulan na ng poll body ang pag-deliver ng VCM batterries sa iba’t-ibang destination hubs bago ang mga aktwal na makina.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Samantala, ide-deliver naman ang VCM kits, na naglalaman ng makina at iba pang paraphernalia, simula sa April 2 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Last naman na ide-deliver ang VCMs na para sa National Capital Region na nakatakda mula April 18-19.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Inaasahan naman na ang timeline para sa delivery ng mga opisyal na balota ay mula April 20 hanggang May 5.

Mababatid na ang F2 Logistics, na pag-aari ng negosyante na si Dennis Uy, ay ang nangunguna sa shipping ng election paraphernalia mula sa Comelec warehouses papunta sa regional hubs.