Laguna, naitala ang halos 700 active COVID-19 cases

Nakapagrehistro ang Laguna ng halos 700 aktibong kaso ng COVID-19.

Inanunsyo ito ni provincial health officer Dr. Rene Bagamasbad nitong Biyernes o sa mismong araw ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa probinsya.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Sinabi ni Bagamasbad, na mula sa 35 aktibong kaso noong December 31, ay umakyat ito ngayon sa 697.

Ipinunto niya na halos doble ang naitatala nilang mga bagong kaso araw-araw.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Tiniyak ni Bagamasbad na bagamat mababa pa rin ang hospital utilization rate sa probinsya, ay pinaghahandaan na nila ang pagdagsa ng mga pasyente na may COVID-19.