Pia Wurtzbach, naramdaman ang lahat ng sintomas ng COVID-19

Ibinunyag ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagpositibo siya sa COVID-19 habang siya ay nasa United Kingdom.

Sa Instagram ay inamin ni Wurtzbach na tinamaan siya ng virus sa kabila ng pagiging fully vaccinated nito at pagpapaturok ng booster.

Ipinunto rin ni Wurtzbach na kumpleto siya ng flu at pneumonia vaccines.

Dagdag niya, kahit masustansya ang lahat ng kaniyang kinakain at may active lifestyle, ay nakuha niya pa rin ang lahat ng sintomas kabilang na ang lagnat, sore throat, body pain, sipon, ubo, at kawalan ng panlasa at pang-amoy.

Iginiit ng bauty queen na mas tumatagal ang mga sintomas ng coronavirus kumpara sa regular na trangkaso.

Sa kasalukuyan ay kinukumpleto na ni Wurtzbach ang kaniyang isolation, kasama ang kaniyang kapatid na si Sarah, na nagpositibo rin sa virus.