Labor group humirit ng P100 daily wage hike

Umapela ang grupong Partido Manggagawa (PM) sa kongreso na isabatas ang dagdag na P100 sa minimum na arawang sahod ng mga empleyado sa buong bansa.

Ginawa ng grupo ang panawagan sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at pamasahe bunsod ng sunod-sunod na oil price hike.

Maliban sa isang-daang pisong umento sa daily wage, ipinanawagan din nito na magkaroon ng “cash aid, price discounts, at emergency jobs creation program’ para makatulong sa mga mamamayan.

Ayon sa datos ng National Wages and Productivity Commission, ang P537 na minimum wage sa Metro Manila ay nagkakahalaga na lamang ngayon ng P494 batay sa inflation mula noong 2018.

Noong Miyerkules, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inutusan niya ang lahat ng regional wage boards na pag-aralan ang posibilidad ng pagtaas ng daily minimum wage dahil naapektuhan na umano ang buying capacity ng mga manggagawa dahil pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *