Deployment ban sa Ukraine, naka-amba dahil sa patuloy na kaguluhan – OWWA

Posibleng ideklara ng Pilipinas ang total deployment ban sa Ukraine ay sa gitna ng militar activity ng Russia sa lugar.

Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac sa ngayon ay nakataas na ang Alert Level 4 na nangangahulugan ng mandatory repatriation sa lahat ng mga Filipino sa Ukraine.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Posibleng isunod na umano dito ang total deployment ban na inaasahang ilalabas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), may kabuuang 169 na Pilipino ang inilikas mula nang ilunsad ng Russia ang operasyon nito sa Ukraine noong huling bahagi ng Pebrero.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sinabi ni Cacdac na 114 na mga Pilipino ang naiuwi na mula nang magsimula ang pagsalakay.