Nakapagtala ng 467 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw ang bansa.
Ang aktibong kaso sa bansa ay 12, 376.
Ayon sa Department of Health ang mga bagong kaso ay nadagdag sa kabuuang caseload sa 4,067,678, kabilang ang 3,989,826 na recoveries at 65,476 namatay.
Ang National Capital Region pa rin ang may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 2,311, sinundan ng Calabrzon na may 1,118, Central Luzon na may 540, Western Visayas na may 337, at ang Cagayan Valley na may 317.

Sa mga lalawigan at lungsod, ang Quezon City ang may pinakamaraming kaso na may 543, Cavite na may 318, Rizal na may 305, Manila City na may 298, at Laguna na may 248.//CA