Labi ng magsasakang nawala matapos malunod noong 2023, natagpuan sa Pinacanauan River

Narekober ng isang backhoe operator na nagsasagawa ng excavation sa isang quarry site sa Barangay Dodan, Peñablanca, Cagayan ang mga labi ng magsasakang nawala at nalunod noon pang July 25, 2023.

Batay sa salaysay ng backhoe operator, napansin nito ang mg buto o skeletal remains ng tao kaya’t agad niya itong idinulog sa mga opisyal ng barangay upang maimbestigahan.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay mayroong drowning incident na naganap malapit sa lugar na kinasangkutan ng mag-ama kung saan agad ding nahanap ang anak habang ang tatay nitong si Jun Jun Taguiam, 36-anyos ay hindi na natagpuan pa.

Dahil dito, agad na kinonsulta ng mga opisyal ang pamilya ng naturang mga biktima at kinumpirmang ang natagpuang kalansay ay mga labi ni Taguiam batay sa suot nito pang-ibaba at kaniyang mga ngipin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *