PNP muling nagbabala sa mga nagtatago kay Quiboloy na mahaharap sa reklamong obstruction of justice

Mahaharap sa reklamong obstruction of justice ang mga nagkakanlong kay Apollo Quiboloy.

Ito ang babala ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga nagtatago ng pugante.

Si Quiboloy at 5 pang kapwa akusado nito ay nahaharap sa kasong Child Abuse at Qualified Trafficking.

Sampung milyong pisong pabuya ang alok ngayon para sa makapagtuturo kayQuiboloy.

Ayon kay Interior Src. Benhur Abalos Jr, ang pabuya ay galing sa ilang kaibigang nais na tumulong sa paghahanap sa kanya

Samantalang, nag-alok din ng tig P1milyong pisong pabuya sa 5 kapwa akusado nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *