Hinirang na kampeon sa 2023 PBA D-League Aspirants’ Cup ang EcoOil-La Salle Green Archers matapos lupigin ang hanay ng Marinerong Pilipino-San Beda Red Lions, 89-74 sa kanilang ikalawang sagupaan sa best-of-three finals series sa Ynares Sports Arena.
Nakumpleto na ngayon ng La Salle ang kanilang back-to-back championships matapos din nilang pamunuan ang 2022 edition laban sa Marinerong Pilipino.

Pinatunayan ni Kevin Quiambao na karapat-dapat ang kanyang MVP award matapos magtala ng 26 puntos at humakot ng 10 rebounds.
Ang victory ay bounce-back win para sa DLSU na natalo sa UP fighting Maroons sa 2023 FilOil EcoOil Preseason Cup Finals noong nakaraang linggo.