Wagner group, inatras na ang planong paglusob sa Moscow

Humupa na ang tensyon sa Russia matapos i-atras ng Wagner Mercenary Group ang planong paglusob sa Moscow.

Ito’y matapos mamagitan ang Pangulo ng Belarus upang maiwasan ang kaguluhan sa lugar.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Napagkasunduan din na hindi na kakasuhan ang mga miyembro ng grupo.

Bago ito, maaalalang nag-aklas ang grupo sa pamumuno ni Yevgeny Prigozhin dahil pinabayaan umano sila ng mga sundalo sa bakbakan sa Bakhmut at pinapatay pa anila ang kanilang mga kasamahan.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ang Wagner ay para-military na katuwang ng Russia sa paglusob sa Ukraine.