Magbabalik-aksyon na si skipper Alyssa Valdez sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na magsisimula bukas sa The Arena sa San Juan City.
Inaasahang magiging mabagsik ang Creamline matapos tiyakin ni Valdez na siya ay recovered na at handa muling maglaro ng 100 porsyento.

Makakasama nito sa ratsada sina wing spikers Jema Galanza, Tots Carlos at Michele Gumabao, middle blockers Jeanette Panaga at Ced Domingo, at playmaker Jia Morado.
Labing isang teams ang maglalaban-laban sa pinakamalaking pro tournament kasama pa ang foreign teams na darating sa semifinals.
Bagong mga teams ang Gerflor, Farm Fresh at Foton habang mainstay naman ang Creamline, Choco Mucho, Cignal HD, PLDT, Petro Gazz, Chery Tiggo, F2 Logistics at Akari.