Kylie, itinanggi na siya ang unang nangaliwa habang kasal kay Aljur

Itinanggi ng aktres na si Kylie Padilla ang akusasyon na siya ang unang tumaksil sa kaniyang asawa na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos himukin ng aktor si Kylie, sa pamamagitan ng isang social media post, na aminin kung sino ang unang nangaliwa at sumira sa kanilang pamilya.

Sa isang panayam kasama si Jessica Soho, ay sinabi ni Kylie na mahirap para sa kaniya na aminin ang isang bagay na hindi naman niya ginawa.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Kinwestyon rin ni Kylie kung paano siya magkakaroon ng oras na mangaliwa habang kasal sila ni Aljur, kung busy siya noon sa pagpapa-breastfeed sa ikalawa nilang anak.

Giit ni Kylie, kung gusto ng mga tao ng ebidensya ay pwede nila ito tanungin sa kaniyang mga yaya.

Ipinunto ni Kylie na bagama’t unfair para sa kaniya ang akusasyon ay kailangan niyang maging matatag upang mapalaki ang kaniyang mga anak habang nasa maayos ang kaniyang pag-iisip.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Inihayag naman ni Kylie na natawa lamang sila ni JM de Guzman matapos kumalat ang usap-usapan na nagli-link sa kanilang dalawa.

Sinabi niya, “Natatawa na lang din ako. Actually nag-usap na kami ni JM diyan. Natatawa din kami. ‘Wow paano nasama yung pangalan ko diyan?’ ‘Hindi ko alam, pasensya na, sorry.’ Mga ganun,”