KWF, pinahinto ang distribusyon ng umano’y mga ‘anti-government’ na mga aklat

Nag-isyu ng isang memorandum ang Komisyon sa Wikang Filipino na layong ipahinto na ang pamamahagi ng mga ‘di umano’y ‘anti-government’ na mga aklat sa mga pampublikong libraries.

Sa ilalim nito, pinahihinto ng tanggapan ang distribusyon ng mga aklat na ‘di umano’y mayroong mga nilalamang subersibong kasulatan.

Labag umano ito sa Anti-Terrorism Act at maituturing na inciting to commit terrorism.

Kabilang sa mga librong tinukoy ng KWF ay ang mga sumusunod:
-Tawid-diwa sa Pananagisag ni Bienvenido Lumbera: Ang Bayan, at Manunulat, at ang Magasing Sagisag sa Imahinatibong Yugto ng Batas Militar 1975-1979′ ni Dexter B. Cayanes, pati na rin ang
-‘Teatro Politikal Dos’ ni Malou Jacob
-‘Kalatas: Mga Kuwentong Bayan at Kuwentong Buhay’ ni Rommel B. Rodriquez
-‘May Hadlang ang Umaga’ ni Don Pagusara
-at ‘Labas: Mga Palabas sa Labas ng Sentro’ ni Reuel M. Aguila.

Read More:  Cayetano confirms vehicle used by Bato to return to Senate

Pumalag naman ang iba’t ibang mga propesor ng Filipino at Literatura at sinabing isa itong uri ng censorship at gumagapos sa kalayaang akademiko.

Tinawag din nila itong ‘red-tagging’ sa mga may-akda ng mga nabatid na aklat at tumatapak sa demokrasya sa malayang pagsulat.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Sa panayam, sinabi ni Prof. Reuel Aguila na walang katotohanang ang kanyang mga aklat ay ‘anti-government’.

Sa katunayan nga raw, sinulat niya ito sampung taon na ang nakakalipas at wala pa raw si Duterte at Marcos.

Palagay tuloy ng may-akda, mayroong away sa loob ng komisyon kaya nadadamay na rin ang mga awtor at inaakusahan silang mga terorista.

Nanindigan din itong ‘libelous’ ang pahayag ng KWF dahol walang basehan ang kanilang mga akusasyon.
#