Kumportable, kumbinyente at ligtas na ang hatid na serbisyo ng Virac Airport para sa ating mga kababayan.

Natengga rin ng matagal na panahon ang modernisasyon nito. Dahil hangad ng DOTr, sa ilalim ng liderato ni Secretary Art Tugade, at ng CAAP, na mabigyan ng maayos, mala-world class, at matibay na airport infrastructure ang ating mga kababayan sa Bicol region, agarang isinakatuparan ang rehabilitation at improvement project ng Virac Airport.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Ngayon, rehabilitated at upgraded na ang Passenger Terminal Building (PTB) ng airport, maging ang re-blocking ng taxiway, strip width correction, asphalt overlay, at konstruksyon ng drainage system. Dagdag pa rito, matapos mapinsala ang terminal ng airport ng bagyong Rolly noong 2020, agarang isinagawa at kinumpleto ang repair works nito.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

 Ngayon, kumportable, kumbinyente at ligtas na ang hatid na serbisyo ng Virac Airport para sa mga pasahero at ating mga kababayan sa Catanduanes. Inaasahan din ang pagbubukas ng napakaraming oportunidad para sa lalawigan, kabilang na ang higit pang pag-usbong ng turismo, ekonomiya, at antas ng pamumuhay dito.