Kumakalat na Pre-service scholarahip ng DOH, walang katotohanan

Nilinaw ng Department of Health na hindi na tumatanggap ang kanilang ahensya ng bagong scholars para sa Academic Year 2024-2025 ng Pre-service Scholarship Program.

Ito ay dahil nailipat na sa Commission on Higher Education ang naturang scholarship program dahil mandato ng ahensya ang pagbibigay ng educational assistance.

Dahil dito, binigyang diin ng DOH na walang katotohanan ang kumakalat na PSSP na naka-post sa isang facebook page.

Nagpaalala naman ang kagawaran sa publiko na maging maingat at alerto sa mga nababasang post sa mga hindi lehitimong page ng ahensya na nag-aalok ng scholarship.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *