PNP Chief Marbil, itinangging nagiging maluwag kaya sunod-sunod ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa iligal na aktibidad

Itinanggi ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na nagiging maluwag siya kaya sunod-sunod ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa iligal na aktibidad.

Ayon kay Gen. Marbil, Posible aniyang dati nang nangyayari ang mga ito pero hindi agad naaksyunan.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Muli naman tiniyak ng opisyal na hindi na makakabalik sa serbisyo ang mga pulis na mapatutunayang sangkot sa mga ilegal na aktibidad at makukulong.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nauna nang nagbabala si Marbil sa mga commander o immediate superior ng mga pulis na masasangkot sa ilegal na aktibidad na madadamay din ang mga ito sa gagawing imbestigasyon.