Rehabilitasyon ng Lullutan bridge, nakumpleto na

Nakumpleto na ng DPWH- Isabela 1st District Engineering Office ang rehabilitasyon ng Lullutan bridge sa bahagi ng Ilagan-Delfin Albano- Mallig Road.

Mayroon itong haba na 671-linear meter kung saan kabilang sa ginawa ang pagpapalit bg expansion joint, mga kulang na high tension bolt at pagsasaayos ng deck slab.

Ang proyekto ay pinondogan ng P13. 3 million sa ilalim ng General Appropriation Acts of 2024 kung saan sinimulan ang rehabilitasyon noong ika-20 ng Pebrero ngayong taon.

Inihayag ni District Engr. Deoferuo Vehemente Jr. na magkakaroon sila ng monitoring at maintenance program na kinabibilang ng regulan na jnspeksyon sa tulay na sumailalim sa pagsasaayos upang matiyak na matibay ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *