Inanunsyo ni House good government and public accountability panel chair Rep. Mike Aglipay na nasa pangangalaga na ng sergeant-at-arms ng mababang kapulongan ang Pharmally executive na si Krizle Mago.
Ibinunyag ni Aglipay na mismong si Mago ang humiling kay House Speaker Lord Allan Velasco na malagay ito sa ilalim ng protective custody ng kapulongan.
Ipinunto ng kongresista na natatakot na si Mago na magsalita tungkol sa mga alegasyon na may kinalaman sa medical supplies na binili ng gobyerno mula sa Pharmally.

Ipinunto kasi ni Mago na nakararanas ito ngayon ng undue influence at pressure mula sa iba’t-ibang sources
Kung maalala ay sinabi ni Senator Richard Gordon na naging “unreachable” si Mago isang araw matapos nitong ibunyag sa Senado ang pag-tamper ng Pharmally sa expiration dates ng face shields na dini-deliver nito sa mga healthcare workers.
Matatandaan na inamin rin ni Mago sa Senado na sa pamamagitan ng binentang medical supplies ng Pharmally, ay tila naloko nito ang gobyerno.