Naihalal si Caloocan Bishop Virgilio David, na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika, bilang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon sa CBCP, naihalal si David, na outgoing vice president ng CBCP, bilang presidente sa unang araw ng two-day bishops’ plenary assembly na isinagawa online kahapon.
Magsisimula ang termino ni David sa December 1, 2021.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang 62-anyos na si David tunkol sa pagkakahalal nito bilang presidente ng CBCP.
Matatandaan na na-ordain si David bilang pari ng Archdiocese of San Fernando noong 1983 kung saan ay naitalaga siya bilang auxiliary bishop noong 2006 hanggang sa lumipat ito sa Caloocan diocese noong January 2016.
Sa CBCP ay nagawa ni David na makapagsilbi bilang vice president at chair ng Episcopal Commission on Biblical Apostolate.
Samantala inalala naman ni outgoing CBCP president at Davao Archibishop Romullo Valles ang kaniyang mga masasayang alala sa loob ng apat na taon niya bilang presidente ng kanilang organisasyon habang pinasasalamatan ang lahat ng mga obispo para sa kanilang suporta at commitment sa kaniyang liderato.