Kris Bernal nabiktima ng delivery ‘fake booking’

Ibinahagi ni Kris Bernal ang pagiging biktima niya sa ‘fake booking’ kamakailan.

Ayon sa aktres nito lamang July 3 nang dumating sa bahay nila ang 23 delivery riders para magdeliver ng pagkain gayung wala naman silang ino-order.

Kwento ni Kris nagpapakilalang sekretarya niya ang taong umo-order ng pagkain.

Naniniwala naman ang Ina ng aktres na iisang tao lang ang nanloloko gamit ang kanyang pangalan.

Ibinunyag naman ni Bernal na minsan na ring nagamit ang pangalan niya ng nagpakilalang assistant niya para makapanloko ng mga maliliit na negosyo.