Kris Aquino, may sweet na mensahe para sa fiancé na si Mel Sarmiento

Ibinunyag ng showbiz personality na si Kris Aquino na hindi niya ma-imagine ang magiging hinaharap nito nang hindi kasama ang kaniyang soon-to-be husband na si dating Department of Interior and Local Goverment Secretary Mel Sarmiento.

Sa ilang mahabang Instagram clips, ay ipinakita ni Kris ang pagmamahal nito sa kaniyang fiancé.

Tiniyak ni Kris na mananatili siyang nasa tabi ni Sarmiento habambuhay.

Ipinunto ng aktres at host na malaking bagay para sa kaniya na ang lalaking makakasama niya ay may pagmamahal rin para sa kaniyang anak na si Bimby.

Mababsa rin sa post ni Kris, “I really feel how much you love me. That’s why parang ang tanga ko na kung pakawalan pa kita. Ako madali sa akin mag-express ng sarili. I love you. I told you I love you with all my heart… For whatever’s left of my life, you have me,”