Kotse nahulog sa ilog, 1 patay

CAMARINES SUR – Isa ang patay matapos na mahulog ang sinasakyang kotse sa Barangay Apad Ragay, Camarines Sur, kahapon Mayo 12 2024.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCpl. Jonald Zamudio tagapagsalita ng Ragay MPS kinilala ang nasawi na si Pancho Sipalay y Solmayor, 54 taong gulang residente ng Barangay Santiago, General Trias Cavite drayber ng sasakyan.

Ayon kay Zamudio maliit lang ang kalsada dahil Barangay road ito, masyado ring malakas ang ulan sa lugar ng mga oras na iyon, mabilis ang patakbo at hindi kabisado ng drayber ang daan, nagulat umano ito sa kasalubong na sasakyan dahilan upang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho bago mahulog sa ilog, galing metro manila at patungo sana sa lalawigan ng Masbate.

Sakay ng sasakyan ang 6 na katao kabilang na ang 1 taong gulang na sanggol na pawang nagtamo ng minor injuries.

Nagpapagaling na ang mga nasugatan sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *