Pangulong Marcos, bumuo ng special committee para sa human rights protection sa bansa

Ipinag utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbuo ng special committee on Human Rights Coordination.

Sa bisa ito ng administrative order number 22 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong May 8.

Kasama sa magiging duties at function ng special committee ay ang pagsasagawa ng investigation at accountability, pangangalap ng datos sa human rights violation ng mga law enforcement agencies, pagpapalawak ng civic space at pakikipag ugnayan sa private sector at human-rights based approach sa drug control, at counter-terrorism.

Inatasan rin ang special committee na i-monitor at tiyakin ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya upang itaguyod ang karapatan ng mga persons deprived of liberty o PDLs.

Samantala tatayong Chairman ng special committee ang Executive Secretary, habang Co-chair ang kalihim ng DOJ at myembro ang mga kalihim ng DFA at DILG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *