NSC, tinutulan ang panukalang pagbuwag sa NTF-ELCAC

Walang nakikitang pangangailangan ang National Security Council na buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ito’y sa gitna ng panawagan ng mga makakaliwang grupo na buwagin na ito dahil sa isyu ng red-tagging at iba pa.

Sa pahayag ngayong araw, sinabi ni NSC , Assistant Director General Jonathan Malaya na tutol sila sa pagbuwag sa NTF-ELCAC dahil wala itong basehan.

Paliwanag nya, game-changer ang laban ng NTF ELCAC sa mga New People’s New Army at kanilang mga kaalyado dahilan para sa tuluyang paghina ng kanilang pwersa.

Ayon pa kay Malaya, kaya nais ng mga makakaliwang grupo na buwagin ang NTF ELCAC ay dahil ayaw nilang magtagumpay ang pamahalaan sa laban nito sa CPP-NPA-NDF.

Dagdag pa nya, anti-peace at anti-development ang mga makakaliwang grupo kaya nagpapalutang sila ng mga walang kwentang ideya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *