Korte, naglabas ng TRO vs Victor Consunji, Re: tangkang pagpapalayas kay Maggie Wilson

Naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Taguig Regional Trial Court para hindi mapaalis si Maggie Wilson sa nirerentahang bahay nito sa Taguig City, matapos ang umano’y ilegal at hindi otorisadong pagpapalayas sa kanyaa ng dating asawa na si Victor Consunji noong nakaraang July 15, 2022.

Ayon sa korte, walang karapatan si Victor na paalisin si Maggie dahil mayroong “existing lease contract” ang beauty queen sa naturang property ng DMCI.

Ibig sabihin, valid ang lease contract ni Maggie hanggang sa kung anuman ang nakasaad na end date ng pagrenta niya sa tinitirahang bahay.

Matatandaan na sina Maggie at Victor ay 11 taong mag-asawa, hanggang sa natapos ang kanilang relasyon noong September 2021.

Noong July 15, 2022, lumabas sa mga ulat na nagsampa si Victor ng kasong adultery laban kay Maggie, dahil sa umano’y third party ng kanilang paghihiwalay.