AFF women’s Champ Filipinas nag-courtesy call kay Pangulong Marcos sa Malacañang

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang patuloy na suporta sa mga atleta Pinoy sa bansa.

Ginawa ng Pangulong ang pahayag sa courtesy visit ng Philippine Women’s National Football Team sa Malacañan nitong Miyerkules, July 20.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ipinunto ng pangulo ang kahalagahan ng larangan ng pampalakasan, lalo’t hindi lamang aniya ito basta isang laro kundi tumutukoy rin ito sa disiplina, sakripisyo, pananatiling mapagkumbaba sa oras ng pagkapanalo, at pakikisalamuha sa iba bilang isang team.

Nabatid na nasungkit ng National Football team na Filipinas ang makasaysayang 2022 Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

“But that is something that we really should encourage because sport means more than just playing games. It means developing discipline, learning how to sacrifice, learning to be gracious in victory, learning to work with other people as a team,” bahagi ng pahayag ni Pangulong Marcos.