P2.4M na halaga ng marijuana, nabunot sa Tampakan, South Cotabato

KORONADAL CITY — UMABOT sa 12,000 na puno ng fully-grown marijuana ang nabunot ng mga otoridad sa Sitio Tukaymal, Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato, Nobyembre 13 ng umaga.

Ngunit hindi naman naabutan ng mga otoridad ang umano’y cultivator ng nabanggit na marijuana plantation na kinilalang si Jimben Sinaya, na residente ng Barangay Danlag ng nabanggit na bayan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Nagkakahalaga umano ng P2.4 million ang nabunot na marijuana na agad sinunog sa nabanggit na lugar.

Nag-uwi naman ang mga otoridad ng mga samples ng nabunot na marijuana bilang ebidensiya at isasagawang evaluation.

Dahil sa nadiskubreng marijuana plantation, nahaharap ngayon sa panibagong kasong paglabag sa Section 16, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang umano’y cultivator na si Sinaya.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Si Sinaya din umano ang cultivator ng marijuana plantation na ni-raid ng mga otoridad noong Enero 2021 sa Barangay Danlag ng bayan kung saan umaabot sa 13,000 na puno ang nabunot.