KORONADAL CITY — KINUMPERMA ngayon ng City Health Office ng Koronadal na hiring ang mga ito ng mga nurses at doktor na itatalaga sa mga Covid-19 isolation facilities sa lungsod.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Edito Vego, city health officer ng Koronadal, sinabi nito na noon, marami ang nag-apply ngunit umatras matapos nalaman na ipapadala ang mga ito sa mga isolation facilities.
Sinabi nito na sa ngayon, kulang na kulang sila ng mga personnel dahil maliban sa mga isolation facilities, may mga vaccination areas pa silang mini-maintain.
Pinasiguro naman ni Vego na binibigyang proteksiyon ang mga nurses at medical staff bago pa man ang deployment ng mga ito sa mga isolation facilities.
Sa ngayon, kailangan umano nila ng manpower para sa bubuksang mga Covid-19 isolation facilities sa Barangay Concecpion at sa Koronadal National Comprehensive High School o KNCHS.
