Koronadal, bigo sa kanilang target sa Nationwide Bakunahan

KORONADAL CITY — NASA 22, 489 o 64.14% lamang sa target na 35,000 na mga indibidwal ang nabakunahan ng first dose at second dose laban sa Covid-19 sa isinagawang 3-days Nationwide Bayanihan, Bakunahan sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang kinumpirma ni OIC City Health Officer Dr. Stephen Mortera sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Mortera, hindi naabot ng lungsod ang target nito ngunit makikitang marami na umano ang disididong magpabakuna laban sa Covid-19.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Nilinaw din nito, na malaki ang kanilang pasasalamat sa numero ng mga nagpabakuna, ngunit umaasa parin sila na aakyat pa ang bilang sa susunod na mga araw ng gustong magpabakuna.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Napag-alaman na nasa 195,398 ang populasyon ng Koronadal batay Philippine Statistics Office kung saan 70% dito ang kailangang mabakunahan kontra sa Covid-19 upang maabot ang herd immunity.