KORONADAL CITY- DAHIL sa patuloy na banta ng COVID 19 pandemic, mga fully vaccinated lamang na mga indibidwal may edad 12-anyos pataas ang papayagang makapasok sa kapitolyo ng South Cotabato upang saksihan ang inihandang Christmas decorations ng provincial government. Ito ang inihayag ni Fredaliza Gazo, OIC ng Provincial General Services Office (PGSO).
Ayon kay Gazo na kailangang magpakita ng COVID 19 vaccination card at Covid 19 Contract Tracing System o CCTS card ang mga pupunta.
Papayagan din ang mga batang may edad 11-anyos pababa na makapasok sa capitol grounds basta may kasama ang mga itong fully vaccinated adult.
Dagdag pa ng opisyal na kailangang sumunod ang lahat sa ipinatutupad na minimum health protocol particular ang pagsusuot ng face mask at social distancing.
Bukas ang kapitolyo simula alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi bilang pagtalima sa ipinatutupad na curfew hours sa lungsod ng Koronadal.
