KORONADAL CITY- MAHIGIT sa 100,000 mga kliyente na ang nabigyan ng emergency assistance ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 ngayong taon.
Sa isinagawang Mindanao Cluster, inihayag ni DSWD 12 regional director Restituto Macuto meeting na aabot na sa P 813.8 million ang naipamahagi ng kanilang tanggapan mula noong Enero sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Nakinabang dito ang 102,833 na mga mahihirap, marginalized, vulnerable at disadvantaged na mga indibidwal at pamilya na nahaharap sa krisis.
Kabilang sa ayudang ibinibigay ng DSWD ay ang financial at food assistance, medical, educational, burial, at transportation assistance.
