Arestado ang lima sa ikinasang operasyon ng Regional Anti-Cybercrime Unit ng PNP Anti-Cybercrime Group sa online prostitution dens sa Tayabas at Lucena sa Quezon.
Ayon sa ACG, nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may online prostituon den na nago-operate sa mismong tahanan ng mga suspek.
Matapos ang masusing cyberpatrolling at imbestigasyon at pagkalap ng mga ebidiensiya, nakakuha ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data ang ACG sa Calamba City, RTC sa Laguna.
Sa operasyon nasagip ang sampung biktima kung saan 5 rito ay mga menor de edad.
Ginagamit umano ang mga biktima sa online prostitutions sa pamamagitan ng isang website kung saan ang mga paroyyano ay mga banyaga.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.