Kooperatiba ng mga nasa shellfish industry inirekomenda ng isang Punong Barangay sa lungsod

SORSOGON CITY – Bagama’t lifted na ang shellfish ban sa Sorsogon Bay, kinumpirma ni Piot Barangay Captain Daniel Gonzales na patuloy ang kanilang mga hakbangin upang matulungan ang kanilang mga residente na pangunguha ng shellfish ang ikinabubuhay.

Ayon dito, sa katunayan ay nakipagpulong na siya sa mga Baloko divers at iba pa na ang hanapbuhay ay pagharvest ng molusko upang ilatag ang planong pagbuo ng kooperatiba.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Hakbang ito upang magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan ang nasabing sektor sa tuwing mayroong shellfish ban dulot ng red tide.

Paliwanag ng opisyal, kung mayroon kasing iba pang pagkakakitaan ang nasabing mga indibidwal ay hindi na problema pa ng mga ito ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan sa tuwing magkakaroon ng red tide o iba pang kalamidad na apektado ang karagatan.  

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, kinumpirma ng opisyal na ang nasabing sektor ay nakatanggap na rin ng ayuda mula sa City-LGU.