Kontrata ng mga contact tracers ni- renew ng DILG

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kanilang ni- renew ang kontrata ng mga hired contact tracers dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Lubhang kailangan kasi ang kanilang serbisyo lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Ayon kay DILG Provincial Director Ray Caceres nasa walumpung contact tracer na na- hire ng ahensiya ang nakapag renew ng kanilang kontrata.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Naka deploy ang mga ito sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan kung saan may pinakamarami ditto sa bayan ng Daet.

Bukod pa ito sa mga contact tracers na hired naman ng mga Local Government Units.

Ayon sa Department of Health, mahalagang component sa paglaban sa COVID- 19 ang mabilisang contact tracing upang ma- isolate agad ang mga taong nagkaroon ng contact sa mga nagpositibo at mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Hinimok din ng DOH ang mga LGU’s na i- institutionalize ang Prevent, Detect, Treat at Re- integration strategy kontra COVID- 19.

Ayon naman kay PD Caceres mayroon nang mga issuance ang DILG sa mga LGUs patungkol dito.