DOH pinag iingat ang publiko sa mga Food and Waterborne Diseases

CAMARINES NORTE- Pinag- iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga Food and Waterborne diseases lalo na ngayong panahon ng tag- ulan.

Sa isinagawang Press Conference nitong  Martes, inihayag ni Ma. Francia Genorga, Food & Waterborne Disease Coordinator na hindi ito dapat balewalain dahil maaari itong magdulot ng pagkamatay.

Ang Food & Waterborne Disease ay mga sakit sa tubig na sanhi ng mikrobyo na maaaring makuha kapag ang isang tao ay nakakain, o lumusong sa kontaminadong tubig.

Ilan dito ay ang Cholera, Hepatitis A, Typoid, acute bloody diarrhea at iba pa.

Kabilang sa mga sintomas  ng Food and Waterborne Diseases ay lagnat, pagkawala ng ganang kumain, pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagtatae.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Genorga, delikado ito kapag hindi agad nabigyan ng lunas na maaaring mauwi sa pagkamatay.

Sa Food and Waterborne Diseases ay pinaka delikado umano ang Cholera dahil sa loob lang ng dalawa hanggang tatlong oras ay maaaring mamatay ang pasyente kapag hindi nalapatan ng lunas.

Batay sa datos ng DOH, bumaba ang mga kaso ng sakit na may kinalaman sa Food and Waterborne Diseases sa Bicol Region sa panahon ng pandemya.

Iniuugnay ito sa mga quarantine restrictions at ang limitadong galaw ng mga tao kung saan walang mga malakihang pagtitipon.

Mula Enero hanggang Agosto nakapagtala ang DOH ng 125  kaso ng Cholera sa buong rehiyon pero walang kaso ng pagkamatay.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nakapagtala naman ang rehiyon ng 75 kaso ng Typoid fever sa panahong nabanggit pero nasa 85 percent ang pagbaba.

Nasa 54 naman ang naitalang kaso ng acute bloody diarrhea na may 75 % na pagbaba habang walang naitalang kaso sa hepatitis.

Paalala ni genorga, basic lang umano ang mga dapat gawin upang makaiwas sa sakit.

Dapat lang umanong ugaliin ang paghuhugas ng kamay at malinis na paghahanda ng pagkain, uminom ng malinis na tubig o pakuluan ito kung kinakailangan lalo na ang mga nakatira sa malalayong lugar.

Dapat ding siguraduhin na malinis ang container na pinag iimbakan ng tubig at pagbutihin ang waste disposal.